Lrc Player

Upuan

Unknown artist
[04:13.10]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:42.13] Kayo po na naka upo

[00:46.66] Subukan nyo namang tumayo

[00:51.97] At baka matanaw at baka matanaw na nyo

[00:56.75] Ang tunay na kalagayan ko

[01:01.00] Ganito kasi yan eh

[01:02.86] Tao po nandyan po ba kayo sa loob ng

[01:05.25] Malaking bahay at malawak na bakuran

[01:07.64] Mataas na pader pinapaligiran

[01:10.30] At naka pilang mga mamahaling sasakyan

[01:12.95] Mga bantay na laging bulong ng bulong

[01:14.81] Wala namang kasal pero marami ang naka barong

[01:17.74] Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong

[01:19.86] Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong

[01:22.52] At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon

[01:24.91] At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon

[01:27.56] Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan

[01:30.22] Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan

[01:32.61] Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan

[01:35.27] Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan

[01:37.66] Kaya naman hindi niya pinakakawalan

[01:40.05] Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

[01:42.44] Kayo po na naka upo

[01:47.22] Subukan nyo namang tumayo

[01:52.53] At baka matanaw at baka matanaw na nyo

[01:57.31] Ang tunay na kalagayan ko

[02:03.16] Mawalang galang na po

[02:04.49] Sa taong naka upo

[02:05.55] Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno

[02:07.94] Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero

[02:10.60] Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo

[02:12.99] Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin

[02:15.38] Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling

[02:18.30] Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero

[02:20.69] Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo

[02:23.35] Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero

[02:25.74] Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo

[02:28.39] Pero kulang na kulang parin

[02:29.72] Ulam na tuyo't asin

[02:31.05] Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin

[02:33.97] Di ko alam kung talagang maraming harang

[02:35.83] O mataas lang ang bakod

[02:37.42] O nagbubulag-bulagan lamang po kayo

[02:39.28] Kahit sa dami ng pera niyo

[02:40.88] Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo kaya

[02:44.06] Wag kang masyadong halata

[02:47.25] Bato-bato sa langit

[02:51.77] Ang matamaa'y wag magalit

[02:56.55] O bato-bato bato sa langit

[03:01.88] Ang matamaan ay

[03:04.53] Wag masyadong halata (hehey)

[03:09.32] Wag kang masyadong halata

[03:14.36] Wag kang masyadong halata (hehey)

[03:19.41] Wag kang masyadong halata (hehey hehey)

[03:25.52] Hehey hehey