Magdalena
[01:08.09] Magdalena ano'ng problema
[01:10.60] Bakit ‘di ka makawala sa kadena?
[01:13.09] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
[01:15.60] Na hanap buhay mo ngayon
[01:18.35] Magdalena ano'ng problema
[01:20.85] Alam naman natin na dati kang nena
[01:23.35] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
[01:25.59] Ano'ng nangyari sa'yo?
[01:28.11] Ito'y kwento ng isang babaeng
[01:33.36] Tulog sa umaga, gising sa gabi
[01:38.35] Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
[01:43.35] Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
[01:46.86] Simulan na natin ang istorya
[01:48.83] Ako'y kanyang matalik na kaibigan
[01:51.60] Ernesto ang aking pangalan
[01:54.09] Kwentong dapat ‘nyong malaman
[01:56.60] ‘Wag nang magbulag bulagan
[01:59.10] Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba?
[02:05.36] Pagbibigyan kita
[02:07.60] Kilala mo ba si Magda?
[02:09.33] Na aking kababata mula pa ng pagkabata
[02:11.84] Kami lagi magkasama mga bangkang papel sa sapa
[02:14.60] Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
[02:16.35] At pag siya'y dumadaan mga leeg ay pumipilipit
[02:19.54] Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga
[02:21.80] Tuwing kausap ko na malimit akong tulala
[02:24.28] Kahit may nararamdaman pinilit kong isara
[02:26.79] Ang bibig at pintig ng puso sa kanya
[02:29.29] At sa sayawan matapos kaming makapagtapos
[02:31.79] Dahil pinawis ang mukha ako'y nagpunas ng pulbos
[02:34.54] Kahit parang hindi pantay ay nagmamadaling hinila
[02:37.31] Pinakilala niya lalaki na taga Maynila
[02:40.02] Magdalena ano'ng problema
[02:42.54] Bakit ‘di ka makawala sa kadena?
[02:45.03] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
[02:47.54] Na hanap buhay mo ngayon
[02:50.29] Magdalena ano'ng problema
[02:52.79] Alam naman natin na dati kang nena
[02:55.30] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
[02:57.79] Ano'ng nangyari sa'yo?
[03:00.04] Maraming taon ako'y nalipasan
[03:03.29] Pinilti ko mang takasan
[03:05.54] Bagkus ay aking nalaman
[03:08.29] Ang tunay kong kailangan
[03:10.53] ‘Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba
[03:16.79] Minamahal ko s'ya
[03:19.04] Hahanapin ko si Magda
[03:20.79] Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
[03:23.05] Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuhan
[03:25.77] Nakita ko'ng larawan niya na nakadikit sa pintuan
[03:28.54] Iba man ang kulay ng buhok ‘di ko malilimutan
[03:31.03] Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti
[03:33.30] At dahil ubod ng saya hindi na nag atubili
[03:35.79] Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim
[03:38.29] Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing
[03:40.80] Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta
[03:43.54] Sa maliit na entablado ay nakita ko na
[03:46.29] Ako ay nagtaka, nagtanung, nagkamot
[03:48.80] Bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot?
[03:51.04] Ito'y kwento ng isang babaeng
[03:56.54] Tulog sa umaga, gising sa gabi
[04:01.30] Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
[04:06.55] Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
[04:09.79] Ituloy natin ang istorya
[04:11.80] Agad siyang sumama sa'kin walang kakabakaba
[04:14.19] Ang trato niya sa'kin ay nobyo tila katakataka
[04:16.67] Bumaba sa taxi-ng pinara sa Sta. Mesa
[04:19.42] Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena
[04:21.92] Kung ito ay panaginip ayoko nang magising
[04:24.17] Ngunit ako'y nanaginip umaga na nang magising
[04:26.87] Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
[04:29.37] Liham para sa'kin na isinulat niya magdamag
[04:32.12] Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin
[04:34.62] ‘Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin
[04:37.13] Mahal kong Ernesto alam kong tulog mo'y malalim
[04:39.87] ‘Di na ‘ko nagpaalam ‘di na kita ginising
[04:42.37] Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
[04:44.88] At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay
[04:47.36] Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko
[04:50.13] Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko
[04:52.37] Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino
[04:55.12] ‘Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko
[04:57.37] Imbis na ako'y sagipin itinulak sa bangin
[05:00.13] Ito pala'ng ibig sabihin ng kapit sa patalim
[05:02.63] Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin
[05:05.12] Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
[05:07.61] Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng
[05:10.37] Alam ang amoy ng laway ng iba't-ibang babae
[05:12.88] Isa lang ang kaya kong sayo'y maipagmalaki
[05:15.38] Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi
[05:18.11] Gusto ko mang manatili sa'yong mga yakap
[05:20.63] Ako may natutuwa dahil ako'y iyong nahanap
[05:23.12] Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
[05:25.87] At ang katulad ko sa'yo ay ‘di karapat-dapat
[05:28.38] Pinangarap kong sa altar ako'y iyong ihatid
[05:30.63] Ngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhid
[05:33.35] ‘Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
[05:35.87] Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik
[05:38.61] Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala
[05:41.09] Salamat sa ala-ala, nagmamahal Magda
[05:43.84] Magdalena ano'ng problema
[05:46.37] Bakit ‘di ka makawala sa kadena?
[05:48.84] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
[05:51.33] Na hanap buhay mo ngayon
[05:54.08] Magdalena ano'ng problema
[05:56.58] Alam naman natin na dati kang nena
[05:59.09] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
[06:01.59] Ano'ng nangyari sa'yo?
[06:04.09] Ito'y kwento ng isang babae
