Sirena
[00:53.85] Ako'y isang sirena
[00:57.48] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
[01:03.20] Ako'y isang sirena
[01:07.21] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
[01:12.22] Drum na may tubig ang sinisisid
[01:16.97] Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
[01:21.97] Drum na may tubig ang sinisisid
[01:26.47] Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib
[01:31.22] Gloc 9:
[01:31.33] Simula pa no'ng bata pa ako
[01:33.84] Halata mo na kapag naglalaro
[01:36.09] Kaya para lahat ay nalilito
[01:38.33] Magaling sa Chinese garter at piko
[01:40.83] Mga labi ko'y pulang pula
[01:43.59] Sa bubble gum na sinaba
[01:46.08] Palakad lakad sa harapan ng salamin
[01:48.08] Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila"
[01:50.56] Habang kumekembot ang bewang
[01:52.57] Mga hikaw na gumegewang
[01:54.09] Gamit ang pulbos na binili kay aling bebang
[01:56.57] Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
[01:58.61] Na galing sa aking ama
[01:59.83] Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
[02:02.34] Laging nalalatayan
[02:03.59] Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
[02:06.09] Na imbes na tumigas ay tila lalong lumalambot
[02:08.33] Ang puso kong mapagmahal
[02:09.59] Parang pikit matang kulot.
[02:10.96] Ako'y isang sirena
[02:14.96] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
[02:20.71] Ako'y isang sirena
[02:24.71] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
[02:29.71] Drum na may tubig ang sinisisid
[02:34.46] Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
[02:39.46] Drum na may tubig ang sinisisid
[02:44.21] Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib
[02:48.70] Gloc 9:
[02:49.21] Hanggang sa naging binata na ako
[02:51.21] Teka muna mali, dalaga na pala ‘to
[02:53.45] Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
[02:56.71] Ano bang mga problema nyo
[02:58.71] Dahil ba ang mga kilos ko'y iba
[03:00.96] Sa dapat makita ng inyong mata
[03:03.71] Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
[03:06.45] Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang tuwa
[03:08.96] Kahit binaliw na sa tapang, kasi ganun na lamang
[03:11.48] Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
[03:13.96] "tama nanaman itay, di napo ako pasaway
[03:16.21] Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
[03:18.71] Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
[03:20.96] Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
[03:23.46] Kasi araw araw na lamang ay walang humpay na banat
[03:25.96] At inaaabot ang ganda ko pang ilalim ng dagat
[03:28.46] Ako'y isang sirena
[03:32.71] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
[03:38.21] Ako'y isang sirena
[03:42.21] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
[03:47.47] Drum na may tubig ang sinisisid
[03:51.95] Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
[03:57.21] Drum na may tubig ang sinisisid
[04:01.72] Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib
[04:06.21] Gloc 9:
[04:07.21] Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa
[04:09.71] Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama
[04:11.98] Nagpakalayo layo ni hindi makabisita
[04:14.47] Kakain na po itay, nakahanda na'ng lamesita
[04:16.95] Akay akay sa paglakad paisa isang hakbang
[04:19.22] Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan
[04:21.70] Ngayon sa iyong kaarawan, susubukan kong palitan
[04:24.21] Ang lungkot na nadarama, wag napo nating balikan
[04:26.70] Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer
[04:28.98] Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y nakaduster
[04:31.72] Isang gabi, akoy iyong tinawag, lumapit
[04:33.96] Ako sayong tabi ikay tumangan, kumapit
[04:36.44] Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
[04:38.45] Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa
[04:40.96] Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
[04:43.46] Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla
[04:45.96] Drum na may tubig ang sinisisid
[04:50.33] Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik
[04:55.32] Drum na may tubig ang sinisisid
[04:59.82] Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib
[05:05.57] Ako'y isang sirena
[05:09.57] Kahit anong gawin nila
[05:13.07] Bandera koy di tutumba…
