Upuan
[00:40.61] Kayo po na naka upo
[00:45.36] Subukan nyo namang tumayo
[00:50.86] At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
[00:55.62] Ang tunay na kalagayan ko
[01:01.61] Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
[01:04.11] Malaking bahay at malawak na bakuran
[01:06.61] Mataas na pader pinapaligiran
[01:09.10] At naka pilang mga mamahaling sasakyan
[01:11.86] Mga Patay na laging bulong ng bulong
[01:13.61] Wala namang kasal pero marami ang naka barong
[01:16.37] Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
[01:18.86] Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
[01:21.36] At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
[01:23.86] At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
[01:26.38] Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
[01:29.13] Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
[01:31.36] Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
[01:34.10] Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
[01:36.61] Kaya naman hindi niya pinakakawalan
[01:39.11] Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
[01:41.36] Kayo po na naka upo
[01:46.12] Subukan nyo namang tumayo
[01:51.60] At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
[01:56.36] Ang tunay na kalagayan ko
[02:01.98] Mawalang galang na po
[02:03.23] Sa taong naka upo
[02:04.49] Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
[02:06.73] Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
[02:09.48] Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
[02:12.23] Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
[02:14.48] Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
[02:16.97] Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
[02:19.72] Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
[02:22.22] Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
[02:24.73] Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
[02:27.23] Pero kulang na kulang parin
[02:28.73] Ulam na tuyo't asin
[02:29.98] Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
[02:32.73] Di ko alam kung talagang maraming harang
[02:34.73] O mataas lang ang bakod
[02:36.23] O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
[02:38.21] Kahit sa dami ng pera niyo
[02:39.72] Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
[02:42.21] Kaya...
[02:42.98] Wag kang masyadong halata
[02:46.23] Bato-bato sa langit
[02:50.62] Ang matamaa'y wag magalit
[02:55.62] O bato-bato bato sa langit
[03:00.63] Ang matamaan ay
[03:03.37] Wag masyadong halata (ooh)
[03:08.35] Wag kang masyadong halata
[03:11.62] Hehey, (Wag kang masyadong halata)
[03:18.37] (Wag kang masyadong halata)
