Lrc Player

DSL

RON HENLEY
[05:51.19]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:13.96] Daanang kanina'y tuwid panay kurba

[00:16.34] Mga tahi-tahing pangungusap ang nagpakulay sa burda

[00:19.55] Ramdam mo ba yung alon handa na kong masuka

[00:22.47] Tara pumasok na sa pintuan bago pa magsara

[00:26.52] Ganto pala pag nagbabalat ang langit kulay kalabasa

[00:29.95] Tubig na nagmula sa nawasa naging prutas ang lasa

[00:33.16] Mga salitang nagkasundo mensahe'y pasa-pasa

[00:35.82] Mga numero sa mundong ito tila may pinapabasa

[00:39.31] Yung nasa dingding ay nagsasalita sirang plaka

[00:43.10] Di kaya pinaglalaruan lang ako ng utak ko at ako mismo ang taya

[00:48.68] Kaya di nagpabaya baka tuluyang maligaw mawala

[00:52.16] Kasabay kong huminga ang aming kisame't sahig

[00:54.81] Naging larawan ang nagkaisang mga butas ng banig

[00:58.00] Ingat lang sa pagpanik pagkat sadyang matarik

[01:01.41] Basta tandaan mo lang ang daan pabalik

[01:06.27] Kapit ka lang maigi wag mo kong bibitawan

[01:11.06] Ramdam ko ang hiwagang bumabalot sa liwanag na bumabanda sa buwan

[01:18.57] Ibig ko lang sabihin wag mo kong iiwanan

[01:23.91] Bago magamit yung duyan kelangan daw munang yung papag ang unang mahigaan

[01:30.82] Bulag man ako sa oras nasipat ko naman ang katotohanan sa likod ng kalawakan

[01:37.33] Nakita ko sila ngunit di ko mahawakan

[01:39.95] Baka lang maabala at mukha naman silang masayang nagsasayawan

[01:43.99] Mga guhit na nag-uugnay sa pagitan ng mga bituin

[01:47.17] Nagiging tigre yung isa sa mga dating nailigaw na kuting

[01:50.63] Ang mga pira-pirasong pangarap na kelangan pang buuin

[01:53.81] Tinanim sa lupang bibihira tumaba kaya ayaw nilang dakutin

[01:57.90] Buhat ng ako'y naliwanagan

[01:59.84] Isang malubak na lansangan naging bagong kapatagan

[02:03.89] Kung walang pusong pinayayaman

[02:06.07] Isa lamang pangit na pulubi ang kayamanan

[02:09.52] Ang buhay man ay maulan

[02:11.38] Pero tandaang tubig ang dahilan kung ba't may kakahuyan

[02:15.89] Ingat lang sa pag-akyat sapagkat sadyang matarik

[02:19.08] Basta tandaan mo lang ang daan pabalik

[02:23.69] Kapit ka lang maigi wag mo kong bibitawan

[02:28.47] Ramdam ko ang hiwagang bumabalot sa liwanag na bumabanda sa buwan

[02:35.93] Ibig ko lang sabihin wag mo kong iiwanan

[02:41.51] Bago magamit yung duyan kelangan daw munang yung papag ang unang mahigaan

[02:48.76] Ako'y binala sa pana

[02:51.01] Hinila pabalik sa pagiging bata

[02:54.39] Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata

[02:57.85] Umaasang sa gitna tatama

[03:14.81] Ang gabi ay lumalalim

[03:15.74] Ako'y lumulutang sa salbabidang punong puno ng sariwang hangin

[03:20.52] Nung pumutok ako'y lumubog sa ganda ng tanawin

[03:23.71] Kaliwa't kanang tawanan sari-sari ang pagkain

[03:27.15] Di ko akalain ang pagiging mahiyain

[03:30.07] Ang aking daan upang maging malikhain

[03:33.53] Di ko man marinig ang sinasabi nila sakin sa labas

[03:36.47] Sarado man ang dalawang pintuan kita ko sila sa bintanang nakabukas

[03:40.23] Kasabay kong huminga ang aming kisame't sahig

[03:42.99] Nagkabit-kabit na nga ang mga butas ng banig

[03:46.43] Ingat lang sa pag-akyat sapagkat sadyang matarik

[03:49.35] Basta baybayin mo lang ang daan pabalik

[03:53.61] Kapit ka lang maigi wag mo kong bibitawan

[03:58.91] Ramdam ko ang hiwagang bumabalot sa liwanag na bumabanda sa buwan

[04:06.63] Ibig ko lang sabihin wag mo kong iiwanan

[04:11.67] Bago magamit yung duyan kelangan daw munang yung papag ang unang mahigaan

[04:18.68] Ako'y binala sa pana

[04:21.07] Hinila pabalik sa pagiging bata

[04:24.91] Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata

[04:28.10] Umaasang sa gitna tatama

[04:31.28] Ako'y binala sa pana

[04:34.47] Hinila pabalik sa pagiging bata

[04:37.66] Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata

[04:40.86] Umaasang sa gitna tatama