Tao lang
[00:10.49] Uy, si Loonie 'yon, ah? Tara, lapitan natin
[00:10.75] Idol, fliptop tayo! (Tara, isa lang, kuya, sige na)
[00:11.55] Parinig naman ng rap mo, sample naman d'yan
[00:13.14] Ang ganda naman ng cap mo, arbor na lang 'yan
[00:15.27] Ang yabang mo naman, wala ka bang kanta na bago?
[00:18.19] Bakit wala kang battle? Takot ka bang matalo, ha?
[00:20.58] Paulit-ulit ang tanong ng mga tao
[00:22.44] Huwag sanang apurado, ano'ng magagawa ko?
[00:24.83] Wala akong maisip, masyado pang mainit
[00:27.22] Akala mo tuloy, mukhang suplado 'pag tahimik
[00:29.34] Pagod lang talaga, galing gig, Tuguegarao
[00:31.74] Walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw
[00:33.86] Tapos pag-uwi ko pa, para bang hindi ko malaman
[00:36.78] Kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula
[00:38.11] Laging puyat, nagkalat ang papel na nilamukos
[00:39.97] Ang dami ng kapeng ipinautos
[00:43.95] Tinta ng aking ballpen, malapit nang maubos
[00:46.35] Isang patak na lang pero aking ibubuhos
[00:49.00] Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko?
[00:53.25] Ako ay tao lang din naman na tulad mo
[00:57.77] Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian
[01:02.55] O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?
[01:07.33] Pasensiya na (tao lang)
[01:09.72] Pasensiya na (tao lang)
[01:12.11] Pasensiya na (tao lang)
[01:14.24] Pasensiya na
[01:15.56] Kasi, sapul sa pagkabata, sablay no'ng tumanda
[01:18.22] Lumakad, humakbang, hanggang sa madapa
[01:20.88] Huwag kang mawawalan ng pag-asa, huwag kang madadala
[01:23.27] Kung wala ka pang mali, wala ka pang nagagawa
[01:25.66] Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad
[01:28.31] Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad
[01:30.70] Kaya huwag kang matakot magkamali
[01:32.83] Pero alalay lang, huwag kang masyadong magmadali
[01:35.49] 'Yan ang sabi sa akin ng aking itay
[01:37.61] Na pinapaalala palagi sa 'kin ni inay
[01:40.00] Na kadalasan ay hindi nasusunod
[01:42.39] Ayoko nang sumali, gusto kong manood
[01:44.78] Minsan, wala nang gana, ayoko nang mag-rap
[01:46.64] Kasi akala ko dati, alam ko na'ng lahat
[01:49.83] 'Yon pala, kulang pa ang kaalaman kong labis
[01:51.69] Ngayon, alam ko na kung ba't may pambura ang lapis
[01:54.08] Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko?
[01:57.27] Ako ay tao lang din naman na tulad mo
[02:03.11] Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian
[02:07.10] O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?
[02:12.67] Pasensiya na (tao lang)
[02:15.06] Pasensiya na (tao lang)
[02:17.19] Pasensiya na (tao lang)
[02:19.31] Pasensiya na
[02:20.91] Pero 'di ba, tao ka lang din? 'Di mo ba napansin?
[02:23.30] Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin
[02:25.69] Kahit planuhin mong mabuti, bakit gano'n pa rin?
[02:28.36] 'Di maiwasan na magkamali kahit ano'ng gawin
[02:30.75] Kadalasan, nangyayari ay ang kabaliktaran
[02:32.88] Marami kang detalye na makakaligtaan
[02:35.00] Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang ga'nong alam
[02:37.92] Ano'ng magagawa mo, tao ka lang?
[02:39.78] Napapagod, natatakot, naiinip
[02:42.44] Natatawa, nagtataka, naiinggit
[02:45.36] Nangangawit, nagagalit, nabibigla
[02:47.49] Nalulungkot, nauutot, nahihiya
[02:49.88] Natutukso, nakokonsensiya
[02:52.27] Nauubusan din ng pasensiya
[02:54.66] Nasasaktan, nagmumura
[02:57.05] Pero nagmamahal pa rin kahit natuto na
[02:59.44] Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? (Mali ba na magkamali?)
[03:04.22] Ako ay tao lang din naman na tulad mo (ako'y katulad mo, yeah)
[03:08.73] Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian (tulad mo, tulad n'ya)
[03:12.99] O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang? (Ano ba? Ano ba?)
[03:17.77] Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? (Uh, mali ba na magkamali?)
[03:22.55] Ako ay tao lang din naman na tulad mo (tao lang, pasensiya na)
[03:27.07] Ano ba ang dapat na gawin? (Ano ba?) Dapat bang kamuhian (ano ba?)
[03:29.45] O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?
[03:36.36] Pasensiya na (tao lang)
[03:38.49] Pasensiya na (tao lang)
[03:40.88] Kagaya mo (tao lang)
[03:43.54] Pasensiya na, yeah (kagaya mo, oh, yeah)
[03:47.25] Pasensiya na, uh (tao lang)
[03:48.58] Pasensiya na (wala tayong pagkakaiba)
[03:50.44] Pasensiya na, sorry naman
[03:52.84] Kung pwede lang sanang isoli na lang, pasensiya na
