[00:00.92] "TUWING UMUULAN"
[00:07.31] ...
[00:14.10] Pagmasdan ang ulan, unti-unting pumapatak
[00:20.72] Sa mga halama't mga bulaklak
[00:27.32] Pagmasdan ang dilim, unti-unting bumabalot
[00:34.05] Sa buong paligid tuwing umuulan
[00:41.02] Kasabay ng ulan, bumubuhos ang iyong ganda
[00:47.86] Kasabay ng hanging kumakanta
[00:54.30] Maaari bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa?
[01:01.19] Hanggang ang hangi't ula'y tumila na
[01:07.45] Buhos ng ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
[01:14.98] Tulad ng pag-agos mo, 'di mapipigil ang puso kong nagliliyab
[01:24.69] Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
[01:34.55] Tuwing umuulan at kapiling ka
[01:45.24] Pagmasdan ang ulan, unti-unting tumitila
[01:52.14] Ikaw ri'y magpapaalam na
[01:58.24] Maaari bang minsan pa mahagkan ka't maiduyan pa?
[02:05.44] Sa tubig at ulan lamang ang saksi
[02:12.18] Minsan pa ulan, bumuhos ka, huwag nang tumigil pa
[02:19.04] Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
[02:28.72] Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
[02:38.67] Tuwing umuulan at kapiling ka
[02:44.01] ...
[03:02.92] Maaari bang minsan pa mahagkan ka't maiduyan pa?
[03:09.42] Sa tubig at ulan lamang ang saksi
[03:16.64] Buhos ng ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
[03:23.26] Tulad ng pag-agos mo, 'di mapipigil ang puso kong nagliliyab
[03:32.97] Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
[03:42.59] Tuwing umuulan at kapiling ka
[03:50.18] Minsan pa ulan, bumuhos ka, huwag nang tumigil pa
[03:57.22] Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
[04:07.02] Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
[04:16.68] Tuwing umuulan at kapiling ka
[04:23.48] ...
