Lrc Player

pag-ibig sa tinubuang lupa

andres bonifacio
[03:59.83]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:01.63] Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

[00:09.33] Sa pagkadalisay at pagkadakila

[00:16.77] Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa?

[00:24.73] Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

[00:32.44] Walang mahalagang hindi inihandog

[00:40.14] Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,

[00:47.31] Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,

[00:55.81] Buhay ma’y abuting magkalagut-lagot.

[01:10.42] Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,

[01:19.98] Na hinahandugan ng buong pagkasi,

[01:27.69] Na sa lalong mahal nakapangyayari,

[01:34.32] At ginugulan ng buhay na iwi?

[01:41.23] Ito’y ang Inang Bayang tinubuan:

[01:48.67] Siya’y ina’t tangi sa kinamulatan

[01:56.63] Ng kawili-wiling liwanang ng araw

[02:04.61] Na nagbigay-init sa buong katawan.

[02:16.03] Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan,

[02:24.00] Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal,

[02:31.70] Mula sa masaya’y gasong kasanggulan

[02:39.67] Hanggang sa katawa’y mapasa-libingan.

[02:51.36] Sa aba ng abang mawalay sa bayan!

[02:59.59] Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay,

[03:08.09] Walang alaala’t inaasa-asam

[03:15.27] Kundi ang makita’y lupang tinubuan.

[03:43.16] Kung ang bayang ito’y masasa-panganib

[03:51.39] At siya ay dapat na ipagtangkilik,

[03:58.83] Ang anak, asawa, magulang, kapatid;

[00:00.00] Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

[00:00.00] Ipahandog-handog ang buong pag-ibig

[00:00.00] At hanggang may dugo’y ubusing itigis;

[00:00.00] kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,

[00:00.00] Ito’y kapalaran at tunay na langit.