"Masdan Mo Ang Kapaligiran"
[00:13.05] Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?
[00:25.27] Kay dumi na ng hangin pati na ang mga ilog natin
[00:38.02] Hindi na masama ang pag-unlad
[00:41.79] At malayo-layo na rin ang ating narating
[00:49.78] Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
[00:54.09] Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim
[01:01.27] Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
[01:06.58] Sa langit, 'wag na nating paabutin
[01:13.23] Upang kung tayo'y pumanaw man
[01:16.72] Sariwang hangin sa langit natin matitikman
[01:25.75] Mayro'n lang akong hinihiling
[01:30.00] Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
[01:37.73] Gitara ko ay aking dadalhin
[01:41.75] Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
[01:48.66] .
[02:00.61] Ang mga batang ngayon lang isinilang
[02:06.20] May hangin pa kayang matitikman?
[02:12.59] May mga puno pa kaya silang aakyatin?
[02:17.63] May mga ilog pa kayang lalanguyan?
[02:25.07] Bakit 'di natin pag-isipan
[02:29.34] Ang nangyayari sa ating kapaligiran?
[02:36.53] Hindi nga masama ang pag-unlad
[02:40.51] Kung hindi nakakasira ng kalikasan
[02:47.95] Darating ang panahon mga ibong gala
[02:53.00] Ay wala nang madadapuan
[02:59.64] Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
[03:04.69] Ngayo'y namamatay dahil sa'ting kalokohan
[03:11.86] Lahat ng bagay na narito sa lupa
[03:16.37] Biyayang galing sa Diyos kahit nung ika'y wala pa
[03:23.55] Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
[03:28.07] 'Pagkat 'pag Kaniyang binawi, tayo'y mawawala na
[03:34.70] Mayro'n lang akong hinihiling
[03:39.75] Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
[03:46.39] Gitara ko ay aking dadalhin
[03:51.19] Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
