Lrc Player

Gloc-9_feat._Rico_Blanco_-_Magda_(Director_s_Cut)

Unknown artist
[05:20.06]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:00.36] "MAGDA"

[00:05.94] ...

[00:14.09] Magdalena ano'ng problema

[00:16.60] Bakit ‘di ka makawala sa kadena?

[00:19.09] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda

[00:21.60] Na hanap buhay mo ngayon

[00:24.35] Magdalena ano'ng problema

[00:26.85] Alam naman natin na dati kang nena

[00:29.35] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa

[00:31.59] Ano'ng nangyari sa'yo?

[00:34.11] Ito'y kwento ng isang babaeng

[00:39.36] Tulog sa umaga, gising sa gabi

[00:44.35] Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete

[00:49.35] Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi

[00:52.86] Simulan na natin ang istorya

[00:54.83] Ako'y kanyang matalik na kaibigan

[00:57.60] Ernesto ang aking pangalan

[01:00.09] Kwentong dapat ‘nyong malaman

[01:02.60] ‘Wag nang magbulag bulagan

[01:05.10] Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba?

[01:11.36] Pagbibigyan kita

[01:13.60] Kilala mo ba si Magda?

[01:15.33] Na aking kababata mula pa ng pagkabata

[01:17.84] Kami lagi magkasama mga bangkang papel sa sapa

[01:20.60] Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid

[01:22.35] At pag siya'y dumadaan mga leeg ay pumipilipit

[01:25.54] Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga

[01:27.80] Tuwing kausap ko na malimit akong tulala

[01:30.28] Kahit may nararamdaman pinilit kong isara

[01:32.79] Ang bibig at pintig ng puso sa kanya

[01:35.29] At sa sayawan matapos kaming makapagtapos

[01:37.79] Dahil pinawis ang mukha ako'y nagpunas ng pulbos

[01:40.54] Kahit parang hindi pantay ay nagmamadaling hinila

[01:43.31] Pinakilala niya lalaki na taga Maynila

[01:46.02] Magdalena ano'ng problema

[01:48.54] Bakit ‘di ka makawala sa kadena?

[01:51.03] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda

[01:53.54] Na hanap buhay mo ngayon

[01:56.29] Magdalena ano'ng problema

[01:58.79] Alam naman natin na dati kang nena

[02:01.30] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa

[02:03.79] Ano'ng nangyari sa'yo?

[02:06.04] Maraming taon ako'y nalipasan

[02:09.29] Pinilti ko mang takasan

[02:11.54] Bagkus ay aking nalaman

[02:14.29] Ang tunay kong kailangan

[02:16.53] ‘Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba

[02:22.79] Minamahal ko s'ya

[02:25.04] Hahanapin ko si Magda

[02:26.79] Lumuwas habang nagdarasal na maabutan

[02:29.05] Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuhan

[02:31.77] Nakita ko'ng larawan niya na nakadikit sa pintuan

[02:34.54] Iba man ang kulay ng buhok ‘di ko malilimutan

[02:37.03] Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti

[02:39.30] At dahil ubod ng saya hindi na nag atubili

[02:41.79] Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim

[02:44.29] Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing

[02:46.80] Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta

[02:49.54] Sa maliit na entablado ay nakita ko na

[02:52.29] Ako ay nagtaka, nagtanung, nagkamot

[02:54.80] Bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot?

[02:57.04] Ito'y kwento ng isang babaeng

[03:02.54] Tulog sa umaga, gising sa gabi

[03:07.30] Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete

[03:12.55] Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi

[03:15.79] Ituloy natin ang istorya

[03:17.80] Agad siyang sumama sa'kin walang kakabakaba

[03:20.19] Ang trato niya sa'kin ay nobyo tila katakataka

[03:22.67] Bumaba sa taxi-ng pinara sa Sta. Mesa

[03:25.42] Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena

[03:27.92] Kung ito ay panaginip ayoko nang magising

[03:30.17] Ngunit ako'y nanaginip umaga na nang magising

[03:32.87] Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag

[03:35.37] Liham para sa'kin na isinulat niya magdamag

[03:38.12] Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin

[03:40.62] ‘Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin

[03:43.13] Mahal kong Ernesto alam kong tulog mo'y malalim

[03:45.87] ‘Di na ‘ko nagpaalam ‘di na kita ginising

[03:48.37] Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay

[03:50.88] At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay

[03:53.36] Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko

[03:56.13] Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko

[03:58.37] Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino

[04:01.12] ‘Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko

[04:03.37] Imbis na ako'y sagipin itinulak sa bangin

[04:06.13] Ito pala'ng ibig sabihin ng kapit sa patalim

[04:08.63] Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin

[04:11.12] Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin

[04:13.61] Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng

[04:16.37] Alam ang amoy ng laway ng iba't-ibang babae

[04:18.88] Isa lang ang kaya kong sayo'y maipagmalaki

[04:21.38] Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi

[04:24.11] Gusto ko mang manatili sa'yong mga yakap

[04:26.63] Ako may natutuwa dahil ako'y iyong nahanap

[04:29.12] Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat

[04:31.87] At ang katulad ko sa'yo ay ‘di karapat-dapat

[04:34.38] Pinangarap kong sa altar ako'y iyong ihatid

[04:36.63] Ngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhid

[04:39.35] ‘Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik

[04:41.87] Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik

[04:44.61] Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala

[04:47.09] Salamat sa ala-ala, nagmamahal Magda

[04:49.84] Magdalena ano'ng problema

[04:52.37] Bakit ‘di ka makawala sa kadena?

[04:54.84] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda

[04:57.33] Na hanap buhay mo ngayon

[05:00.08] Magdalena ano'ng problema

[05:02.58] Alam naman natin na dati kang nena

[05:05.09] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa

[05:07.59] Ano'ng nangyari sa'yo?

[05:10.09] Ito'y kwento ng isang babae