Lrc Player

Gloc 9 - Walang Natira wLYRICS

Unknown artist
[04:04.66]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:00.32] "WALANG NATIRA"

[00:06.18] Napakaraming guro dito sa amin

[00:10.68] Ngunit bakit tila walang natira?

[00:16.01] Napakaraming nars dito sa amin

[00:20.79] Ngunit bakit tila walang natira?

[00:24.77] Nag-aabroad sila

[00:26.90] Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman

[00:29.82] Nag-aabroad sila

[00:31.95] Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman

[00:34.61] Nag-aabroad sila

[00:37.79] Lupa kong sinilangan, ang pangalan ay 'Pinas

[00:39.12] Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas?

[00:40.99] Nauungusan ng batas parang inamag na bigas

[00:43.38] Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas

[00:45.76] Tumatakbo ng madulas, mga pinuno ay ungas

[00:48.41] Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas

[00:51.07] Mga kabayan natin na lumilipad, lumalabas

[00:53.20] Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas

[00:56.13] Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli

[00:58.79] Ang pahinga'y iipunin para magamit pag-uwi

[01:01.17] Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri

[01:03.56] Mabahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti

[01:06.24] Ng anak na halos 'di nakilala ang ama

[01:08.62] O ina na wala sa tuwing kaarawan nila

[01:11.28] Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba

[01:13.67] Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na

[01:16.06] Napakaraming inhinyero dito sa amin

[01:20.31] Ngunit bakit tila walang natira?

[01:25.36] Napakaraming karpintero dito sa amin

[01:30.95] Ngunit bakit tila walang natira?

[01:34.67] Nag-aabroad sila

[01:36.79] Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman

[01:39.98] Nag-aabroad sila

[01:41.84] Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman

[01:44.50] Nag-aabroad sila

[01:46.63] Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan

[01:48.77] Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran

[01:50.90] Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan

[01:53.03] Ng mahal sa buhay, ang sugal ay tatayaan

[01:55.43] Isasanla ang lahat ng kanilang mga pag-aari

[01:58.36] Mababawi rin naman, 'yan ang sabi 'pag nayari

[02:01.02] Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano

[02:03.40] O barko kahit saan man papunta

[02:06.08] Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso

[02:07.94] Ang isa ay katumbas ng isang dakot na mamiso

[02:10.59] Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino

[02:12.98] Lilisanin ang pamilya, aamo kahit na sino?

[02:16.17] Gugutumin, sasaktan, malalagay sa peligro

[02:18.56] Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo

[02:20.95] Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba

[02:23.89] Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na

[02:26.02] Napakaraming kasambahay dito sa amin

[02:30.52] Ngunit bakit tila walang natira?

[02:35.32] Napakaraming labandera dito sa amin

[02:41.68] Ngunit bakit tila walang natira?

[02:44.88] Nag-aabroad sila

[02:47.53] Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman

[02:49.65] Nag-aabroad sila

[02:50.98] Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman

[02:54.18] Nag-aabroad sila

[02:56.57] Subukan mong isipin kung gaano kabigat

[02:58.97] Ang buhat na maleta, halos hindi mo na maangat

[03:00.82] Ihahabilin ang anak, para 'to sa kanila

[03:03.51] Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba

[03:05.90] Matapos lamang sa kolehiyo, mututubos din ang relo

[03:08.84] Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo

[03:11.50] Matagal pa kontrata ko, titiisin ko muna 'to

[03:14.15] Basta ang mahalaga, ito'y para sa pamilya ko

[03:16.02] Napakaraming guro dito sa amin

[03:20.53] Ngunit bakit tila walang natira?

[03:25.58] Napakaraming nars dito sa amin

[03:30.63] Ngunit bakit tila walang natira?

[03:34.35] Nag-aabroad sila

[03:36.65] Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman

[03:39.84] Nag-aabroad sila

[03:41.37] Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman

[03:45.62] Napakaraming tama dito sa atin

[03:50.40] Ngunit bakit tila walang natira?