Misteryoso - Cup of Joe (Official Lyric Video)(MP3_160K)
[00:06.94] Oh, eto ka na naman, umiiwas ng tingin
[00:14.12] Laging nakatanaw sa mga tala't nakadungaw sa bintana
[00:19.46] Kailan mo ba magagawang
[00:21.85] Italiwas sa dilim ang natatanging kagandahang
[00:28.76] Nababalot ng hiwagang humalina sa akin
[00:32.74] Kahit na ika'y hindi ko maintindihan?
[00:36.47] Nais masilayan ang iyong mga matang puno ng lihim at ng kislap
[00:43.37] Mananatili na nga lang bang isang estranghero
[00:48.15] O pagbibigyan ang puso kong natotorete sa 'yo?
[00:54.26] Hindi alam kung bakit ba 'ko nabighani sa iyo
[01:01.17] Hindi alam kung bakit ba gan'to, kahit na alam kong
[01:08.34] Mukhang wala rin naman itong patutunguhan
[01:11.81] At kahit pa ilaan lahat ng oras sa 'yo
[01:15.53] Hindi titigil hanggang ako na ang dahilan
[01:18.98] Ng 'yong ngiting misteryoso
[01:24.02] Oh, araw-araw na lang
[01:27.74] Akong bumubulong sa hangin (ha)
[01:31.99] Ilang awit pa ba ang isusulat?
[01:34.39] Wala na bang hangganan?
[01:36.52] Kailan mo ba mapapansin?
[01:38.93] Nais masilayan ang iyong mga matang puno ng lihim at ng kislap
[01:45.84] Mananatili na nga lang bang isang estranghero
[01:50.62] O pagbibigyan ang puso kong natotorete sa 'yo?
[01:56.73] Hindi alam kung bakit ba 'ko nabighani sa iyo
[02:03.91] Hindi alam kung bakit ba gan'to, kahit na alam kong
[02:11.09] Mukhang wala rin naman itong patutunguhan
[02:14.54] Kahit pa ilaan lahat ng oras sa 'yo
[02:18.26] Hindi titigil hanggang ako na ang dahilan
[02:21.71] Ng 'yong ngiting misteryoso
[02:25.43] Mga mata'y nagkatagpo habang naglalaban ang hiwaga ng liwanag at ng dilim
[02:32.60] Ngayong biglang napagtanto na ikaw na rin pala ay narahuyo
[02:42.96] 'Di maipaliwanag kung bakit nabighani sa iyo
[02:50.40] Walang rason, walang "pero, " basta ito ay totoo
[02:58.92] 'Di akalaing makakapiling ko ang isang katulad mo
[03:06.62] Tila isang engkantong laging hinahanap-hanap ko
[03:13.79] Oh giliw, tanging ikaw ang patutunguhan
[03:17.24] Kahit pa salungat ang aking oras sa 'yo
[03:20.96] 'Di makapaniwalang ako na ang dahilan
[03:24.42] Ng 'yong ngiting misteryoso
[03:29.48] Da-ram, da-ra-ra-ram
[03:33.19] Misteryoso
[03:36.39] Oh, oh
[03:40.90] Misteryoso
