Lrc Player

Diwata

Unknown artist
[04:43.12]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:23.99] Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo

[00:29.60] Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso

[00:34.90] Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

[00:39.43] 'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking diwata (uh, uh-uh, uh-uh)

[00:46.58] ikaw ang pinakamaganda

[00:47.91] 'Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata

[00:50.30] (Aking diwata) tamang hinala, 'di makapaniwala

[00:53.22] Na nakita na ang pinakamakinang na tala

[00:55.61] (Talagang mahiwaga) walang katapat

[00:58.02] Bagamat pinagbawalan, ipaglalaban ka

[01:00.17] Sapagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh

[01:03.07] Aking diwata (uh-uh, uh-uh, uh)

[01:06.30] Naaalala ko pa no'ng una kang masilayan, nanghihinayang

[01:11.08] Gustong-gusto kita kausapin, makilala

[01:13.73] Subalit may kaba, kaya nahihiya lang

[01:16.38] Sinayang ang nakatakdang tadhana

[01:18.69] Karapat-dapat nga ba na magkandarapa

[01:21.41] Sa isang prinsesa na may delikadesa?

[01:24.07] Kaysa sa gano'n, baka sakaling game ka maging reyna?

[01:27.27] Date tayo, oo, ikaw at ako

[01:29.66] Liparin natin ang iba't ibang parte ng mundo

[01:32.30] Tugma pa rin kahit sabihing hindi tayo bagay

[01:35.00] Kasi tao tayo, si Maragsa at Malumanay

[01:37.37] Kung sa bagay, karangalan kong alagaan

[01:40.05] At pahalagahan ang natural mong kagandahan

[01:42.94] Aminin ko man o hindi, kapag nasa paligid, eh

[01:45.61] Pasimple na ngumingiti, sana 'ka ko tamaan

[01:47.73] Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo, whoa

[01:53.05] Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso, whoa

[01:58.08] Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

[02:02.93] 'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking diwata (uh, uh-uh, uh-uh)

[02:08.81] Ikaw ang pinakamaganda

[02:11.38] 'Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata

[02:13.80] (Aking diwata) tamang hinala, 'di makapaniwala

[02:16.97] Na nakita na ang pinakamakinang na tala

[02:19.36] (Talagang mahiwaga) walang katapat

[02:21.75] Bagamat pinagbawalan, ipaglalaban ka

[02:23.89] Sapagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh

[02:26.81] Aking diwata (uh-uh, uh-uh, uh)

[02:30.25] Hangga't sa nagkakilala muli

[02:32.37] At unti-unti kang nakikilala

[02:34.49] Muntik pang tumiklop na parang makahiya, uh

[02:37.16] Naglakas-loob, andiyan sa kaliwa

[02:39.80] Ang daming pumipila, daig pa'ng MRT

[02:42.73] Pero 'di ba't sa pag-ibig, mas kabit 'pag less than three?

[02:45.41] Ano'ng sagot? Pwede mo 'kong tanungin

[02:47.51] May tanong ako sa 'yo, pwede mo 'kong sagutin?

[02:50.18] Sana "oo" na lang din, susubukang abutin

[02:52.55] Panaginip lang kita kaya gusto kong antukin

[02:55.24] Oras na maghawak-kamay baka bigla kang alukin

[02:57.61] Walang hiling na kapalit, gusto lang kitang mahalin, uh

[03:00.56] Ikaw ang aking laging nais makapiling

[03:03.00] Hindi Maria Clara kundi Maria Makiling

[03:05.64] Binibining napakaganda at wagas, walang wakas

[03:08.83] Samahan mo 'ko, sabay tayong mangarap nang mataas

[03:10.95] Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo

[03:16.26] Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso

[03:21.87] Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

[03:26.38] 'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking diwata

[03:31.72] No'ng nakita ko siya

[03:34.36] 'Di makapaniwala

[03:37.01] Sa taglay niyang ganda, tinamaan din ako

[03:39.41] Teka, bakit ganito? Ba't napapa-rap ako?

[03:42.10] 'Di ba, sabi ko sa 'yo, 'wag mo na akong isama?

[03:45.01] Para 'kong nasilaw sa kasama mong diwata

[03:47.68] Ngayon, alam ko na ba't nasiraan ka ng ulo

[03:50.32] Napapakanta ka na lang na parang ganito

[03:52.72] Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo, whoa

[03:58.30] Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso, whoa

[04:03.62] Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

[04:08.14] 'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking diwata (uh, uh-uh, uh-uh)

[04:14.79] ikaw ang pinakamaganda

[04:16.67] 'Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata

[04:19.06] (Aking diwata) tamang hinala, 'di makapaniwala

[04:21.97] Na nakita na ang pinakamakinang na tala

[04:24.36] (Talagang mahiwaga) walang katapat

[04:27.02] Bagamat pinagbawalan, ipaglalaban ka

[04:29.15] Sapagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh

[04:32.08] Aking diwata (uh-uh, uh-uh, uh)