Pahina
[00:09.11] 'Di na makausad, 'di malinawan
[00:17.89] 'Di na mabura ang iyong mga larawan
[00:26.94] 'Di alam kung sa'n tutungo ang mga hakbang patalikod, naghihingalo
[00:34.90] Ang lapis na ginamit sa kuwento nating naudlot
[00:45.26] Bawat buklat ng aklat, binabalikan
[00:54.02] Mga liham na ang laman, ligaya'ng dala
[00:58.83] Ikaw lang ang may akda
[01:03.08] Sa lahat ng pahinang sinulat ng tadhana'y
[01:07.85] Ikaw at ikaw at ikaw pa rin
[01:12.11] Ang yugtong paulit-ulit kong babalik-balikan
[01:16.37] Sigaw ay, sigaw ay ikaw pa rin
[01:21.17] Patuloy kong panghahawakan ang 'yong mga salitang
[01:25.42] Hindi na nakikita sa tingin ng 'yong mga mata
[01:29.96] Ngunit kung sarado na ang puso sa nadarama
[01:34.50] Puwede bang isipin mo kung bakit tayo nagsimula?
[01:43.80] Ating katotohana'y naging isang nobelang
[01:52.55] Winakasan ng pagdududang 'di na nalabanan
[02:01.35] Nais na maramdaman muli
[02:04.84] Kung pa'no isulat ang pangalan mo
[02:10.69] Ngunit bawat letra'y mahirap nang iguhit
[02:14.67] Dahil binubuo nila ang 'yong mga pangako
[02:19.45] Sa lahat ng pahinang sinulat ng tadhana'y
[02:24.23] Ikaw at ikaw at ikaw pa rin
[02:28.50] Ang yugtong paulit-ulit kong babalik-balikan
[02:33.03] Sigaw ay, sigaw ay ikaw pa rin
[02:37.01] Simula sa wakas na 'di matuklasan
[02:41.00] Pabalik kung saan 'di na natagpuan
[02:45.81] Ang mga matang nakatanaw sa umpisa
[02:49.80] Ng yugtong 'di na sana naisulat pa
[02:54.59] Simula sa wakas na 'di matuklasan
[02:58.84] Pabalik kung saan 'di na natagpuan
[03:03.36] Ang mga matang nakatanaw sa umpisa
[03:07.87] Ng yugtong 'di na sana naisulat pa
[03:12.39] Sa lahat ng pahinang sinulat ng tadhana'y
[03:17.70] Ikaw at ikaw at ikaw pa rin
[03:21.43] Ang yugtong paulit-ulit kong babalik-balikan
[03:27.01] Sigaw ay, sigaw ay ikaw pa rin
[03:31.55] Patuloy kong panghahawakan ang 'yong mga salitang
[03:35.53] 'Di na nakikita sa tingin ng 'yong mga mata
[03:40.08] Ngunit kung sarado na ang puso sa nadarama
[03:44.33] Puwede bang isipin mo kung bakit tayo nagsimula?
[03:49.66] Sa wakas na 'di matuklasan
[03:53.12] Pabalik kung saan 'di na natagpuan (ikaw at ikaw at ikaw pa rin)
[03:57.88] Ang mga matang nakatanaw sa umpisa
[04:02.14] Ng yugtong 'di na sana naisulat pa (sigaw ay, sigaw ay)
