Lrc Player

Sa'yo

Munimuni
[05:52.54]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:18.39] Ang buhok mo'y parang gabing numinipis

[00:25.42] Sa pagdating ng madaling-araw

[00:32.06] Na kumukulay sa alapaap

[00:41.09] Ang ngiti mo'y parang isang tala

[00:47.03] Na matagal na ang kinang

[00:52.61] Ngunit ngayon lang nakita kung kailan wala na

[01:05.48] Kailan kaya mahahalata

[01:11.59] Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa?

[01:19.03] Kahit mawala ka pa

[01:24.87] Hinding-hindi mawawala

[01:30.18] Ang damdamin ko'y sa 'yong sa 'yo

[01:39.86] Ang buhay mo'y parang kandila na

[01:45.54] Pumapawi sa kadiliman ng gabing puno

[01:55.10] Ng dalita at ng lagim

[02:02.54] Bawat segundo ay natutunaw

[02:08.48] Tumutulo parang luha

[02:13.79] Humuhugis na parang mga puting paruparo

[02:27.07] Kailan kaya mahahalata

[02:32.75] Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa?

[02:40.46] Kahit mawala ka pa

[02:46.83] Hinding-hindi mawawala

[02:51.88] Ang damdamin ko'y sa 'yong sa 'yo

[02:59.96] Sa 'yong sa 'yo

[03:06.86] Sa 'yong sa 'yo

[03:13.24] Sa 'yong sa 'yo

[03:19.35] Sa 'yong sa 'yo

[03:28.38] Ni isang beses ay hindi pa 'ko

[03:34.75] Nakakakain ng paruparo

[03:41.39] Ngunit tila bakit ang sikmura ko'y puno?

[03:51.75] Saka ko naalala na noon

[03:57.72] Nang una kong masabi ang pangalan mo

[04:05.68] Nakalunok ako, kaya siguro?

[04:16.15] Kailan kaya mahahalata

[04:21.82] Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa?

[04:29.79] Kahit mawala ka pa

[04:35.63] Hinding-hindi mawawala

[04:40.68] Ang damdamin ko'y sa 'yong sa 'yo

[04:49.71] Sa 'yong sa 'yo

[04:56.35] Sa 'yong sa 'yo

[05:02.20] Sa 'yong sa 'yo

[05:08.57] Sa 'yong sa 'yo