Abra ft. Loonie, Ron Henley - Cerberus
[00:29.45] Sige pumasok ka sa loob ng aking utak utak utak ko
[00:33.17] Sige bilisan mo pa ha hanggang sa madapa kasi ang kupad kupad mo
[00:36.36] Takbo para di ka maabutan, kinikilabutan, kinatatakutan mo
[00:39.54] Kapag nahuli ka patay kang bata ka na para bang nakunan sa sinapupunan uh
[00:43.00] Isa dalawa tatlo kilala bilang mga sira ulo
[00:45.92] Halatang inakala ng iba
[00:47.78] Na di makapangyarihan ang mga ginayuma
[00:49.37] Wasak ang mga talukap ng mga masangsang na alamang at talangkang walang alam
[00:53.89] At halatang nagtatakang maghatakan ng pababa ng pababa lang
[00:56.55] Hanggan sa hangganan ng walang hanggan
[00:57.08] Puro mga inggitero na bagot, oo mga feelingerong nayamot
[00:59.73] Pano niyo ko hihilahin sa balong malalim e hindi niyo nga ko maabot
[01:03.18] Bratatatatatara chik chik bang o di ba nakakatakot?
[01:06.64] Pagkat di nyo matatakasan ang boses ng kabataan
[01:08.50] Kapag sure hit na ang mga pasabog
[01:10.09] Sino ba yan? Sinubaybayan at sinabayan nanaman ng buong sambayanan
[01:13.01] Kahit gago, makabago, makatao, at makatarungan eto na si Abra tantananan
[01:16.73] Di man katangkaran pero nakayanang umakyat sa pedestal at gumawa ng himala
[01:19.92] Binatang makatang matinik na kakaiba talaga mag-isip miski maliit
[01:22.57] Ang dami paring mga tumitingala braaaa
[01:24.17] Sige pumasok ka sa loob ng aking utak
[01:26.82] Pwede mo itong ihalintulad sa isang higanting pintuang di mo maitulak
[01:30.28] Tignan mo itsura, di mo masikmura parang ginawa mo inumin ang suka
[01:33.73] Wag kang umasa na mangyari magka-chansa ka sakin, kasi distansya natin
[01:36.92] Bituwin at lupa
[01:37.45] Libu-libong sinagupa binaon parang basura pinipicturan ko muna
[01:40.37] Bago ilibing sa lupa primitimbng lirisismo pipilitin kong pihitin
[01:43.56] Kung tingin mong kiliti mong imposible kong makuha pilipinong sining
[01:45.42] At literaturang hinaluan ng mga bara na parang hiroglipiko masulat
[01:48.07] Mga titik na inipon at sinukat ay nagiging ipo-ipo pag hindi ko naisuka
[01:51.79] Pag ako nagalit, papaupuin kita sa dala ko na karet
[01:54.71] Ako si kamatayan bumaba mula sa langit
[01:56.84] Alam mo ba kung bakit? Para sindihan ka nang buhay
[01:59.50] Hanggang sa malapnos ang balat at makalbo ang anit
[02:01.62] Pag parang kambing na yung amoy papatayin ko yung apoy palakol ang gamit
[02:05.34] Sige pumasok ka pa sa loob ng aking utak
[02:08.00] Hinulma ng usok, puyat, kuya Kiko at ni 2pac
[02:11.45] Susubukan kong unatin at sukatin sa talampakan
[02:13.57] Upang makita nila lampas bente ang taas
[02:15.43] Maaring makapasok kaso nga lang pag pintua'y nagsarado siguradong
[02:17.82] Di na pwedeng lumabas
[02:18.89] Sige pumasok ka sa loob ng aking utak
[02:21.81] Para kang umakyat ng banahaw at naligaw sa gitna ng gubat
[02:25.26] Di mo maintindihan parang dikit dikit na sulat ng doktor
[02:27.65] Mga kabit-kabit na letrang parang tren pinanakbo pa rin
[02:30.04] Kahit akala ng iba'y kinakalawang ang motor
[02:32.17] Hawak ko'y tinidor na mula kay Poseidon at Shiva
[02:34.82] Pag tinamaan nang lintek siguradong may baong matataas na along
[02:38.28] Kayang lumamon ng isla
[02:39.60] Salamat ginising mo ang pinakamatangkad sa limang daliri ko
[02:43.06] Uso ata ang utak at uso pa bato panahong paleolitiko
[02:46.25] Masdan mo ang sugat sa likod ng larawang ng mga multong di na nagparamdam
[02:49.43] Dati'y binabahayan ng pula ngayon nama'y binabawi na ng mga itim na langgam
[02:52.89] Naramdaman ang nagbabagang lupa mula sa palad ng shaman
[02:56.60] Nagpatangay sa hangin hanggang sa mapadpad sa patag
[02:59.26] Na dapat lakaran pag daan ko mga aso kumahol
[03:01.12] Yung iba ay naglabas ng pala, piko, asarol
[03:02.98] Sinubukan nilang hukayin ang lalim ngunit natagpuan lang nila ay ang kanilang sariling ataol
[03:06.43] Tanggalin niyo na muna ang mga muta sa mata na nakabara hala sige maghilamos
[03:10.70] Nang makita niyo na mga patay na isda lang ang sumasabay sa agos
