Kalapastangan
[00:04.35] Oras nang sambahin ang ngalan Mo
[00:15.78] Para mabuhay habang-buhay sa puso't isipan Mo
[00:27.87] Sino ba ako para mapansin Mo?
[00:40.09] Mga dalangin ko sa 'Yo, sana'y pakinggan Mo
[01:03.56] Pa'no ba ako magiging 'sang santo
[01:14.90] Para makasama kita diyan sa tabi ng trono Mo?
[01:27.27] Ilan pang pagsubok ang daraanan ko
[01:39.31] Bago ako makaranas ng mga milagro Mo?
[02:08.86] Oh, ang langit ay nandito lamang pala sa lupa
[02:17.15] At ang impiyerno ay nasa isipan ko, at pinalimot ng 'yong ganda
[02:26.84] Umaawit ang mga anghel, umaawit ang mga anghel
[02:35.61] Nagdiriwang sila nang makasama kita, huwag Ka sanang mawawala
[02:44.87] Oh, oh-oh-oh
[02:53.52] Oh, ooh
[03:02.55] Mamamatay akong nakangiti
[03:06.80] Kapag Ikaw ang nasa aking tabi
[03:11.32] Mabubuhay akong nagsisisi
[03:15.67] Kapag 'sang araw hindi kita mapapangiti
[03:19.91] Kalapastangan ang 'di Ka ibigin
[03:24.81] Kalokohan ang 'di Ka isipin
[03:29.15] Kung ang mundo ay biglang gugunawin
[03:33.49] Ikaw ang una kong hahanapin
[03:38.11] Ooh, ooh
