Mermaid
[00:00.86] Ako'y isang sirena
[00:06.61] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
[00:13.12] Ako'y isang sirena
[00:17.37] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
[00:22.62] Drum na may tubig ang sinisisid
[00:27.62] Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik
[00:33.12] Drum na may tubig ang sinisisid
[00:38.13] Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib
[00:43.13] Simula pa nang bata pa ako
[00:45.80] Halata mo na kapag naglalaro
[00:48.56] Kaya parang lahat ay nalilito
[00:51.31] Magaling sa chinese garter at piko
[00:53.81] Mga labi ko'y pulang pula
[00:56.56] Sa bubble gum na sinapa
[00:59.06] Palakad-lakad sa harapan ng salamin
[01:00.81] Sinasabi sa sarili ano'ng panama nila
[01:04.07] Habang kumekembot ang bewang
[01:05.82] Mga hikaw na gumegewang
[01:07.32] Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
[01:10.07] Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
[01:12.57] Na galing sa aking ama
[01:13.82] Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
[01:16.57] Laging nalalatayan
[01:17.82] Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
[01:20.32] Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot
[01:22.83] Ang puso kong mapagmahal
[01:24.32] Parang pilikmatang kulot
[01:25.57] Ako'y isang sirena
[01:29.82] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
[01:35.83] Ako'y isang sirena
[01:40.08] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
[01:45.58] Drum na may tubig ang sinisisid
[01:50.58] Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik
[01:55.83] Drum na may tubig ang sinisisid
[02:00.84] Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib
[02:06.09] Hanggang sa naging binata na ako
[02:08.59] Teka muna mali dalaga na pala 'to
[02:11.09] Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
[02:13.84] Ano bang mga problema nyo
[02:16.35] Dahil ba ang mga kilos ko'y iba
[02:19.09] Sa dapat makita ng inyong mata
[02:21.60] Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
[02:24.60] Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang-tuwa
[02:27.35] Kahit kinalyo na sa tapang kasi ganun na lamang
[02:29.85] Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
[02:32.61] Tama na naman itay di na po ako pasaway
[02:34.86] Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
[02:37.61] Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
[02:40.61] Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
[02:42.61] Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat
[02:45.86] Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat
[02:48.11] Ako'y isang sirena
[02:52.36] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
[02:58.36] Ako'y isang sirena
[03:02.87] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
[03:08.12] Drum na may tubig ang sinisisid
[03:12.87] Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik
[03:18.38] Drum na may tubig ang sinisisid
[03:23.38] Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib
[03:28.38] Lumipas ang mga taon nangagsipag-asawa
[03:31.38] Aking mga kapatid lahat sila'y sumama
[03:33.64] Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita
[03:36.39] Kakain na po itay nakahanda na'ng lamesita
[03:38.88] Akay-akay sa paglakad paisa isang hakbang
[03:41.64] Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan
[03:44.64] Kaya sa iyong kaarawan susubukan kong palitan
[03:46.89] Ang lungkot na nadarama wag na po nating balikan
[03:49.64] Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer
[03:52.14] Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster
[03:55.15] Isang gabi ako'y iyong tinawag lumapit
[03:57.15] Ako sa'yong tabi ika'y tumangan kumapit
[03:59.40] Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
[04:02.65] Anak patawad sana sa lahat ng aking nagawa
[04:05.15] Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
[04:07.90] Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla
[04:15.41] Drum na may tubig ang sinisisid
[04:19.90] Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik
[04:25.16] Drum na may tubig ang sinisisid
[04:30.16] Sa patagalan ng paghinga
[04:33.81] Sa'kin kayo ay bibilib
[04:34.81] Ako'y isang sirena
[04:35.81] Kahit anong gawin nila
[04:36.81] Bandera ko'y di tutumba
