Lrc Player

Sirena

Gloc 9 ft. Ebie Dancel
[04:34.21]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:00.52] Sirena"

[00:01.53] (feat. Ebe Dancel)

[00:03.01] Ako'y isang sirena

[00:09.61] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

[00:15.28] Ako'y isang sirena

[00:18.78] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

[00:24.32] Drum na may tubig ang sinisisid

[00:29.03] Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik

[00:33.78] Drum na may tubig ang sinisisid

[00:39.03] Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[00:42.54] Simula pa nang bata pa ako,

[00:42.77] Halata mo na kapag naglalaro

[00:48.02] Kaya parang lahat ay nalilito,

[00:50.03] Magaling sa chinese garter at piko

[00:53.07] Mga labi ko'y pulang pula,

[00:56.28] Sa bubble gum na sinapa

[00:58.27] Palakad-lakad sa harapan ng salamin,

[01:00.27] Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila?"

[01:01.80] Habang kumekembot ang bewang,

[01:04.53] Mga hikaw na gumegewang

[01:06.35] Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang

[01:08.60] Upang matakpan ang mga pasa sa mukha

[01:10.78] Na galing sa aking ama

[01:12.04] Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan

[01:14.30] Laging nalalatayan,

[01:15.77] Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan

[01:18.06] Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot

[01:20.28] Ang puso kong mapagmahal

[01:21.76] Parang pilikmatang kulot.

[01:23.27] Ako'y isang sirena

[01:26.54] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

[01:32.52] Ako'y isang sirena

[01:36.77] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

[01:41.77] Drum na may tubig ang sinisisid

[01:46.53] Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik

[01:51.27] Drum na may tubig ang sinisisid

[01:56.29] Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[02:01.31] Hanggang sa naging binata na ako

[02:03.28] Teka muna mali, dalaga na pala 'to

[02:05.52] Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin

[02:08.28] Ano bang mga problema nyo?

[02:11.05] Dahil ba ang mga kilos ko'y iba,

[02:13.10] Sa dapat makita ng inyong mata

[02:15.81] Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala

[02:18.55] Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang-tuwa

[02:21.03] Kahit kinalyo na sa tapang, kasi ganun na lamang

[02:23.53] Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang

[02:26.01] Tama na naman itay, di na po ako pasaway

[02:28.29] Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay

[02:30.77] Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon

[02:33.03] Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon

[02:35.53] Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat

[02:38.03] Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat

[02:40.78] Ako'y isang sirena

[02:44.53] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

[02:49.78] Ako'y isang sirena

[02:54.05] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

[02:59.35] Drum na may tubig ang sinisisid

[03:04.05] Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik

[03:09.06] Drum na may tubig ang sinisisid

[03:13.57] Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[03:19.34] Lumipas ang mga taon, nangagsipag-asawa

[03:21.56] Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama

[03:24.03] Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita

[03:26.56] Kakain na po itay, nakahanda na'ng lamesita

[03:29.02] Akay-akay sa paglakad paisa isang hakbang

[03:31.05] Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan

[03:33.78] Kaya sa iyong kaarawan, Susubukan kong palitan

[03:36.02] Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan

[03:38.54] Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer

[03:41.03] Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster

[03:43.53] Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit

[03:46.06] Ako sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapit

[03:48.54] Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita

[03:50.56] Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa

[03:53.05] Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha

[03:55.57] Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla

[03:58.28] Drum na may tubig ang sinisisid

[04:02.07] Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik

[04:07.04] Drum na may tubig ang sinisisid

[04:11.78] Sa patagalan ng paghinga,

[04:14.01] Sa'kin kayo ay bibilib

[04:17.28] Ako'y isang sirena

[04:21.32] Kahit anong gawin nila

[04:26.03] Bandera ko'y di tutumba...