Lrc Player

juan karlos - Sampaguita (Lyric Video) ft. Gloc-9

Unknown artist
[05:06.99]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:06.69] OVERVIEW

[00:07.17] LYRICS

[00:07.92] LISTEN

[00:08.68] PEOPLE ALSO SEARCH FOR

[00:12.19] O aking sinta

[00:14.43] Pasensya ka na kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa

[00:18.42] Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha

[00:21.67] Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha

[00:25.16] Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi

[00:28.42] Kay dami ng taon ng kailangan kong mabawi

[00:31.65] Nagdaang mga pasko, bagong taon at araw

[00:35.20] Ng mga pusong di kita makuhang madalaw

[00:38.68] At maabutan manlang ng paborito mong bulaklak

[00:41.41] Pag kausap ka'y hindi ko mapigilang maiyak

[00:44.68] Sa mundong di sigurado isa lamang ang tiyak

[00:48.18] Mag-isa ka lang ng isinilang mong ating anak

[00:51.44] Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan

[00:55.17] Mga sana na mahirap ng bilangin kung ilan

[00:58.17] Sa pagkain sa labas ay di kita masabayan

[01:01.69] At sa paglubog ng araw di kita matabihan

[01:04.93] Kung kahit saan man mapadpad

[01:08.19] Sayo pa rin ako babalik giliw

[01:17.43] Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita

[01:27.39] Sa halimuyak ng 'yong

[01:38.43] Anak kaarawan mo na ulit

[01:42.15] Wag mong kalimutang suotin ang bago mong damit

[01:44.93] Tandaan mo lagi kahit di tayo magkalapit

[01:48.42] Naaalala ka ni tatay tuwing ako'y pumipikit

[01:51.67] Patawarin mo ako anak kung hindi kita

[01:55.16] Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola

[01:58.18] O lumangoy sa batis na katulad ng iba

[02:01.68] At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta

[02:05.17] Magbutones ng uniporme mo sa unang araw

[02:08.41] Ng pasok sa eskwela puso ko'y nag-uumapaw

[02:11.65] Sa tuwa dahil ganyan-ganyan ako noon

[02:14.90] Ngunit agad napapaluha pag ika'y nagtatanong

[02:18.90] Kailan ka uuwi sakin ay binubulong

[02:21.68] Sagot na bukas na anak ay palaging nakakulong

[02:25.16] Sa pagkatbo'y madadapa minsan ay masasaktan

[02:28.40] Pero sugat mo sa tuhod hindi ko mahalikan

[02:31.64] Kahit saan man mapadpad

[02:34.92] Sayo pa rin ako babalik giliw

[02:44.15] Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita

[02:58.17] Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita

[03:11.67] Sa halimuyak ng 'yong

[03:16.90] Dumating ng araw na aking pinakahihintay

[03:21.89] Malapit ng magsimula ang aking paglalakbay

[03:24.88] Pabalik saking pamilya kahit napakalayo

[03:28.64] Mula sa lugar na para kumita ay dinayo

[03:31.64] Lahat ng pasalubong ko ay nasa kahon na

[03:35.14] Tsokolate at laruan pati sabong panlaba

[03:38.39] Eroplano'y lumapag na ako lamang mag-isa

[03:41.14] Ang bibyahe pauwi para masurpresa sila

[03:44.88] Kaso nang sumakay ako ng taxi ay para bang tila iba

[03:48.41] Ang tingin sakin ng mama na sa manibela malayo akong dinala

[03:51.64] Nung tanungin ko teka muna pare ay bigla na lamang syang natawa

[03:55.66] Nag-iba'ng aking kaba teka bakit may pumasok pa na dalawa

[03:58.38] Hanggang hinawakan ako sa balikat ng isa na may tangan na patalim

[04:02.43] Pilit inaagaw ang dala kong bag na pinakatatago ko ng palihim

[04:05.64] Dahil ang laman nito ay ang lahat ng mga araw na ako'y nakatingin

[04:08.88] Sa bituin kahit madilim pero bakit sa dulo ako pa rin kahit gawin

[04:11.12] Kahit saan man mapadpad

[04:15.66] Sayo pa rin ako babalik, babalik giliw

[04:24.37] Sa halimuyak, sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, sampaguita

[04:38.13] Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita

[04:48.40] Sa halimuyak ng 'yong sampaguita