Lrc Player

LANDO by Gloc9 feat Francis M. I HASHTAG Prod MTV Project

Unknown artist
[05:02.50]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:00.08] Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim

[00:08.12] Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim

[00:15.88] 'Di ka hahayaan na muli pang masaktan

[00:23.39] 'Wag ka nang matakot sa dilim

[00:29.04] Ito ay kwentong hango nanggaling sa dalawang taong

[00:36.38] Nagmamahalan ng tunay ang ngala'y Elsa at Lando

[00:40.10] At kahit parang pagkakataon ay nakakandado

[00:45.36] Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado

[00:47.93] Ng buhay ni Lando ay 'di nalalayo sa marami

[00:51.93] Sinunog ng araw ang kulay ng balat

[00:54.95] At marami ng galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa

[00:59.43] Upang ang gutom ay 'di na masuklian pa ng luha

[01:04.32] Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana

[01:07.12] Ngunit kabilang sa pamilya na 'di alintanang

[01:10.20] Makikipag-kapwa tao sa mga tulad niyang dukha

[01:14.84] Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinunla ng pag-ibig

[01:19.28] 'Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim

[01:25.63] Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim

[01:33.59] 'Di ka hahayaan na muli pang masaktan

[01:41.06] 'Wag ka nang matakot sa dilim

[01:46.83] Kahit na ano mang bagay ang pilit na ihadlang

[01:53.84] At sino man ay walang makapipigil sa paghakbang

[01:58.08] Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya

[02:02.32] Niyayang magtanan, 'di nag-atubili na sumama

[02:05.58] Hawak ang pangarap at pangako sa isa't isa

[02:09.12] Nagpakalayo-layo 'di namuhay na may kaba

[02:13.58] Dahil alam nila na sa bawat isa'y nakalaan

[02:17.35] At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan

[02:21.13] Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling

[02:24.91] Kundi isang pamilya sa loob ng apat ng dingding

[02:29.08] At isang bubong na maaaring tawaging tahanan

[02:33.58] Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa

[02:37.62] 'Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim

[02:43.57] Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim

[02:52.08] 'Di ka hahayaan na muli pang masaktan

[03:00.11] 'Wag ka nang matakot sa dilim

[03:05.13] Isang gabi na Huwebes, lumubog na ang araw

[03:11.61] Doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao

[03:15.61] Upang ating paghatian pagdating ng hapunan

[03:19.37] Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan

[03:23.59] Eskinita sa Ermita, may sumaksak kay Elsa

[03:27.38] Sa tagiliran isang makalawang na lanseta

[03:32.61] Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka

[03:34.89] Kami'y mahirap lamang bakit, 'di na siya naawa

[03:38.60] Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal

[03:42.83] At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal

[03:46.85] Bakit po, bakit po ang laging lumalabas

[03:50.61] Sa 'king bibig palaboy-laboy ni walang landas

[03:54.36] Akong sinusunod baliw sa mata ng marami

[03:58.12] Siguro nga 'di ko na kilala ang aking sarili

[04:02.58] Pangala'y taong grasa may patalim na gamit

[04:06.29] At ang tanging alam ay isang malungkot na awit

[04:10.35] At ang sabi...

[04:11.84] 'Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim

[04:17.58] Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim

[04:23.08] 'Di ka hahayaan na muli pang masaktan

[04:32.89] 'Wag ka nang matakot sa dilim

[04:38.58] 'Wag ka nang matakot sa dilim...