(feat. Rico Blanco)
[00:12.46] [Rico Blanco:]
[00:12.46] Magdalena ano'ng problema
[00:14.97] Bakit 'di ka makawala sa kadena?
[00:17.44] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
[00:19.95] Na hanap buhay mo ngayon
[00:22.73] Magdalena ano'ng problema
[00:25.21] Alam naman natin na dati kang nena
[00:27.72] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
[00:30.22] Ano'ng nangyari sa'yo?
[00:32.48] Ito'y kwento ng isang babaeng
[00:37.91] Tulog sa umaga, gising sa gabi
[00:42.69] Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
[00:47.92] Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
[00:51.42] Simulan na natin ang istorya
[00:53.17] [Gloc 9:]
[00:53.17] Ako'y kanyang matalik na kaibigan
[00:56.20] Ernesto ang aking pangalan
[00:58.42] Kwentong dapat 'nyong malaman
[01:01.19] 'Wag nang magbulag bulagan
[01:03.67] Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba?
[01:09.92] Pagbibigyan kita
[01:12.16] Kilala mo ba si Magda?
[01:13.67] Na aking kababata mula pa ng pagkabata
[01:15.92] Kami lagi magkasama mga bangkang papel sa sapa
[01:19.18] Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
[01:21.17] At pag siya'y dumadaan mga leeg ay pumipilipit
[01:23.73] Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga
[01:26.20] Tuwing kausap ko na malimit akong tulala
[01:28.69] Kahit may nararamdaman pinilit kong isara
[01:31.42] Ang bibig at pintig ng puso para sa kanya
[01:33.67] At sa sayawan matapos kaming makapagtapos
[01:36.43] Dahil pinawis ang mukha ako'y nagpunas ng pulbos
[01:38.91] Kahit parang hindi pantay ay nagmamadaling hinila
[01:41.67] Pinakilala niya lalaki na taga Maynila
[01:44.42] [Rico Blanco:]
[01:44.42] Magdalena ano'ng problema
[01:47.05] Bakit 'di ka makawala sa kadena?
[01:49.28] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
[01:52.05] Na hanap buhay mo ngayon
[01:54.58] Magdalena ano'ng problema
[01:57.05] Alam naman natin na dati kang nena
[01:59.55] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
[02:02.06] Ano'ng nangyari sa'yo?
[02:04.83] [Gloc 9:]
[02:04.83] Maraming taon ako'y nalipasan
[02:07.79] Pinilit ko mang takasan
[02:10.05] Bagkus ay aking nalaman
[02:12.82] Ang tunay kong kailangan
[02:15.07] 'Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba
[02:21.31] Minamahal ko s'ya
[02:23.56] Hahanapin ko si Magda
[02:25.30] Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
[02:27.56] Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuhan
[02:30.05] Nakita ko'ng larawan niya na nakadikit sa pintuan
[02:33.05] Iba man ang kulay ng buhok 'di ko malilimutan
[02:35.55] Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti
[02:37.80] At dahil ubod ng saya hindi na nag atubili
[02:40.17] Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim
[02:42.94] Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing
[02:45.42] Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta
[02:47.93] Sa maliit na entablado ay nakita ko na
[02:50.77] Ako ay nagtaka, nagtanung, nagkamot
[02:53.03] Bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot?
[02:55.43] [Rico Blanco:]
[02:55.43] Ito'y kwento ng isang babaeng
[03:00.91] Tulog sa umaga, gising sa gabi
[03:05.92] Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
[03:10.90] Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
[03:14.40] Ituloy natin ang istorya
[03:16.29] [Gloc 9:]
[03:16.29] Agad siyang sumama sa'kin walang kakabakaba
[03:18.51] Ang trato niya sa'kin ay nobyo tila katakataka
[03:21.02] Bumaba sa taxi-ng pinara sa may Sta. Mesa
[03:23.52] Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena
[03:26.28] Kung ito ay panaginip ayoko nang magising
[03:28.52] Ngunit ako'y nanaginip umaga na nang magising
[03:31.30] Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
[03:34.00] Liham para sa'kin na isinulat niya magdamag
[03:36.26] Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin
[03:39.02] 'Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin
[03:41.73] Mahal kong Ernesto alam kong tulog mo'y malalim
[03:44.22] 'Di na 'ko nagpaalam 'di na kita ginising
[03:46.89] Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
[03:49.41] At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay
[03:51.93] Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko
[03:54.41] Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko
[03:56.94] Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino
[03:59.38] 'Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko
[04:02.13] Imbis na ako'y sagipin itinulak sa bangin
[04:04.38] Ito pala'ng ibig sabihin ng kapit sa patalim
[04:07.14] Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin
[04:09.61] Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
[04:12.15] Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babae
[04:14.62] Alam ang amoy ng laway ng iba't-ibang lalake
[04:17.28] Isa lang ang kaya kong sayo'y maipagmalaki
[04:19.80] Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi
[04:22.78] Gusto ko mang manatili sa'yong mga yakap
[04:25.07] Ako may natutuwa dahil ako'y iyong nahanap
[04:27.81] Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
[04:30.04] At ang katulad ko sa'yo ay 'di karapat-dapat
[04:32.55] Pinangarap kong sa altar ako'y iyong ihatid
[04:35.05] Ngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhid
[04:37.80] 'Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
[04:40.29] Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik
[04:42.80] Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala
[04:45.55] Salamat sa ala-ala, nagmamahal Magda
[04:48.30] [Rico Blanco:]
[04:48.30] Magdalena ano'ng problema
[04:50.80] Bakit 'di ka makawala sa kadena?
[04:53.29] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
[04:55.82] Na hanap buhay mo ngayon
[04:58.55] Magdalena ano'ng problema
[05:01.06] Alam naman natin na dati kang nena
[05:03.57] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
[05:06.05] Ano'ng nangyari sa'yo?
[05:08.29] Ito'y kwento ng isang babae
