Lrc Player

(feat. Ebe Dancel)

"Sirena"
[04:38.52]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:07.19] [Ebe Dancel:]

[00:07.19] Ako'y isang sirena

[00:10.84] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

[00:16.59] Ako'y isang sirena

[00:20.36] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

[00:25.59] Drum na may tubig ang sinisisid

[00:30.37] Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik

[00:35.35] Drum na may tubig ang sinisisid

[00:39.85] Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[00:44.60] [Gloc 9:]

[00:44.60] Simula pa nang bata pa ako,

[00:47.34] Halata mo na kapag naglalaro

[00:49.61] Kaya parang lahat ay nalilito,

[00:51.89] Magaling sa chinese garter at piko

[00:54.60] Mga labi ko'y pulang pula,

[00:56.86] Sa bubble gum na sinapa

[00:59.60] Palakad-lakad sa harapan ng salamin,

[01:01.71] Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila?"

[01:03.96] Habang kumekembot ang bewang,

[01:05.94] Mga hikaw na gumegewang

[01:07.46] Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang

[01:09.96] Upang matakpan ang mga pasa sa mukha

[01:11.95] Na galing sa aking ama

[01:13.22] Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan

[01:15.96] Laging nalalatayan,

[01:16.98] Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan

[01:19.48] Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot

[01:21.72] Ang puso kong mapagmahal

[01:22.96] Parang pilikmatang kulot.

[01:24.34] [Ebe Dancel:]

[01:24.34] Ako'y isang sirena

[01:28.34] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

[01:34.17] Ako'y isang sirena

[01:38.17] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

[01:43.17] Drum na may tubig ang sinisisid

[01:47.65] Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik

[01:52.93] Drum na may tubig ang sinisisid

[01:57.39] Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[02:02.28] [Gloc 9:]

[02:02.28] Hanggang sa naging binata na ako

[02:04.79] Teka muna mali, dalaga na pala 'to

[02:07.04] Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin

[02:09.79] Ano bang mga problema nyo?

[02:12.04] Dahil ba ang mga kilos ko'y iba,

[02:14.53] Sa dapat makita ng inyong mata

[02:17.20] Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala

[02:19.69] Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang-tuwa

[02:22.19] Kahit kinalyo na sa tapang, kasi ganun na lamang

[02:24.95] Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang

[02:27.44] Tama na naman itay, di na po ako pasaway

[02:29.73] Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay

[02:31.96] Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon

[02:34.44] Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon

[02:36.87] Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat

[02:39.38] Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat

[02:42.12] [Ebe Dancel:]

[02:42.12] Ako'y isang sirena

[02:45.87] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

[02:51.60] Ako'y isang sirena

[02:55.64] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

[03:00.88] Drum na may tubig ang sinisisid

[03:05.40] Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik

[03:10.62] Drum na may tubig ang sinisisid

[03:15.00] Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[03:19.98] [Gloc 9:]

[03:19.98] Lumipas ang mga taon, nangagsipag-asawa

[03:23.00] Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama

[03:25.48] Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita

[03:27.97] Kakain na po itay, nakahanda na'ng lamesita

[03:30.21] Akay-akay sa paglakad paisa isang hakbang

[03:32.67] Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan

[03:35.03] Kaya sa iyong kaarawan, Susubukan kong palitan

[03:37.57] Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan

[03:39.76] Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer

[03:42.54] Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster

[03:44.76] Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit

[03:47.52] Ako sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapit

[03:49.77] Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita

[03:52.01] Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa

[03:54.26] Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha

[03:56.74] Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla

[03:59.11] [Ebe Dancel:]

[03:59.11] Drum na may tubig ang sinisisid

[04:03.36] Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik

[04:08.61] Drum na may tubig ang sinisisid

[04:13.11] Sa patagalan ng paghinga,

[04:15.76] Sa'kin kayo ay bibilib

[04:19.01] Ako'y isang sirena

[04:22.97] Kahit anong gawin nila

[04:26.00] Bandera ko'y di tutumba...