Lrc Player

"Dati"

Unknown artist
[04:00.64]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:09.42] Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat

[00:14.52] Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat

[00:19.77] Naaalala ko pa no'n nag-aagawan ng Nintendo

[00:25.78] Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwento

[00:30.55] Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi

[00:35.53] Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili

[00:40.78] Umaawit ng theme song na sabay kinabisa

[00:46.54] Kay sarap namang mabalikan ang alaala

[00:51.79] Ikaw ang kasama buhat noon

[00:57.04] Ikaw ang pangarap hanggang ngayon

[01:04.04] Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari

[01:10.05] Ako yung prinsesang sagip mo palagi

[01:15.04] Ngunit ngayo'y marami na ang nabago't nangyari

[01:20.04] Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng

[01:25.79] Da-ra-rat-da dati

[01:28.27] Da-ra-rat-da dati

[01:31.04] Da-ra-rat-da dati

[01:33.28] Na gaya pa rin ng

[01:35.54] Dati rati ay palaging sabay na mag syesta

[01:40.80] At sabay rin gigising alas kwatro y medya

[01:46.54] Sabay manunuod ng paboritong programa

[01:51.54] O kay tamis naman mabalikan ang alaala

[01:56.29] Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari

[02:02.14] Ako yung prinsesang sagip mo palagi

[02:07.18] Ngunit ngayo'y marami na ang nabago't nangyari

[02:12.15] Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng

[02:17.65] Dati rati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan

[02:20.15] Gamit-gamit ang mantel na tinatali sa kawayan

[02:22.89] At pawang magkakalaban 'pag nag tataya-tayaan

[02:25.40] Pero singtamis ng kendi pag nagkakasal-kasalan

[02:27.90] Diba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina

[02:30.90] Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina

[02:33.40] Ang sarap sigurong balikan ang mga alaala

[02:35.90] Lalo na't kung magkayap mga bata't magkasama at

[02:38.90] Parang Julio't Julia lagi tayong magkasama ('Di mapaghiwalay)

[02:43.90] Sabay tayong umiiyak pag inaapi si Sarah (Hindi pwede yan)

[02:49.39] Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga ('Yan ang pag-ibig)

[02:54.40] Sana mabalik pang dati nating pagsasama

[03:01.28] Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari

[03:07.51] Ako yung prinsesang sagip mo palagi

[03:12.27] Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari

[03:17.77] Ang aking pagtingin

[03:19.29] Oh ibulong nalang sa hangin (Ibulong na lang)

[03:23.01] Pangarap na lang din

[03:25.52] Na gaya pa rin ng

[03:28.51] Da-ra-rat-da dati

[03:31.02] Da-ra-rat-da dati

[03:33.54] Da-ra-rat-da dati

[03:36.03] Na gaya pa rin

[03:38.78] Da-ra-rat-da dati

[03:41.29] Da-ra-rat-da dati

[03:44.03] Da-ra-rat-da dati

[03:46.51] Na gaya pa rin ng

[03:50.01] Ng dati