Lrc Player

Sol at Luna

Geiko
[07:50.13]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:05.20] Nakaupo, tulala;

[00:12.71] Nag-iisa sa mga kuliglig sa labas

[00:21.46] At baka naman, ako'y pakikinggan

[00:35.70] Inaalala ang araw

[00:42.69] Na kumikinang

[00:47.71] Ganon ako tuwing nakikita ka;

[00:54.45] Aking liwanag sa dilim

[01:05.71] At nung yinakap mo ako

[01:12.95] Tila ba'ng nawala

[01:20.71] Ang problema sa mundong puno ng kasakiman

[01:32.69] 'Wag ka munang bumitaw, aking sinta

[01:49.46] 'Di ko kayang numingning kung wala ka

[02:04.20] Malungkot ang gabing malamig

[02:14.19] Kung wala ang iyong init

[02:22.20] Wala nang kulay ang paligid

[02:29.20] Wala nang buhay ang daigdig

[02:37.94] Kung wala ka sa aking tabi

[03:12.44] Mahal kong Sol

[03:15.70] Ako si Luna

[03:19.45] Tayo ba ay ipinagtagpo na ng sansinukob?

[03:28.70] Ngunit, tayo ay ipinaglayo

[03:35.21] ♪

[03:35.46] Namumula tuwing tayo'y

[03:40.45] Magkaharap habang

[03:44.95] Hawak ang 'yong kamay

[03:48.21] Aking susulitin ang munting sandali

[04:01.20] At nung kinantahan mo ako

[04:07.47] Tila ba'ng huminto

[04:14.70] Ang oras bago pang sumapit ang bagong taon

[04:28.20] Binabasa ang liham habang suot ang regalong kwintas

[04:39.20] Puwede bang balikan ang nakaraan?

[04:54.48] 'Di ko kayang numingning kung wala ka

[05:07.96] Malungkot ang gabing malamig

[05:17.20] Kung wala ang iyong init

[05:24.71] Walang kulay ang aking paligid

[05:31.45] Walang buhay ang aking daigdig

[05:40.20] Kung 'di tayo magkatabi

[06:06.96] Ika'y mamahalin kahit 'di mo na ibig ang aking damdamin

[07:03.71] Naaalala mo pa

[07:10.46] Ang mga araw na masamit

[07:15.45] Nung tayo'y magkasama?

[07:18.72] Abot ang ngiti sa malayong bituin

[07:24.96] Kumusta ka?

[07:28.50] Okay ka lang?

[07:32.73] Pagod ka na yata

[07:36.21] Sa katorpehan ng tao

[07:39.70] O baka naman sa akin pala