Lrc Player

"Titibo-Tibo"

Unknown artist
[03:22.50]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:18.97] Elementary pa lang napapansin na nila

[00:22.94] Mga gawi kong parang hindi pambabae e kasi

[00:26.95] Imbes na Chinese garter laruan ko ay teks at jolens

[00:30.95] Tapos ka-jamming ko lagi noon mga sigang lalaki sa amin

[00:36.95] Nung ako'y mag-high school ay napabarkada sa mga bi

[00:41.06] Curious na babae na ang hanap din ay babae

[00:45.14] Sa halip na makeup kit bitbit ko ay gitara

[00:49.05] Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na tshirt at faded na lonta

[00:54.97] Pero noong nakilala kita nagbagong bigla ang aking timpla

[00:59.10] Natuto ako na magparebond at mag-ahit ng kilay at least once a month

[01:02.83] Hindi ko alam kung anong meron ka na sa akin ay nagpalambot nang bigla

[01:06.82] Sinong mag-aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala

[01:14.02] Kahit ako'y titibo-tibo

[01:17.97] Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo

[01:22.47] Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan

[01:26.22] At ang aking pagkababae ay nabubuhayan

[01:30.50] Na para bang bulaklak na namumukadkad

[01:34.43] Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang

[01:37.66] Sikat ng araw-araw mong pag-ibig

[01:40.57] Sa'king buhay nagpapasarap

[02:06.92] Nung tayo'y nag-college ay saka ko lamang binigay ang matamis na oo

[02:12.58] Sampung buwan mong trinabaho

[02:15.10] Sa halip na tsokolate at tipikal na mga diskarte

[02:19.08] Nabihag mo ko sa mga tula at sa mga kanta mong pabebe

[02:24.98] Kaya nga noong makilala kita alam ko na agad na mayroong himala

[02:28.94] Natuto akong magtakong at napadalas ang pagsuot ng bestidang pula

[02:33.21] Pero di mo naman inasam na ako ay magbagong tuluyan para patunayang

[02:37.40] Walang matigas na tinapay sa mainit na kape ng iyong pagmamahal

[02:45.15] Kahit ako'y titibo-tibo

[02:49.88] Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo

[02:54.92] Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan

[02:59.40] At ang aking pagkababae ay nabubuhayan

[03:03.89] Na para bang bulaklak na namumukadkad

[03:08.40] Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang

[03:12.40] Sikat ng araw-araw mong pag-ibig

[03:15.64] Sa'king buhay nagpapasarap