Kathang Isip - Ben&Ben
[00:15.83] 'Di ba nga ito ang 'yong gusto?
[00:23.32] Oh, ito'y lilisan na ako
[00:31.06] Mga alaala'y ibabaon
[00:39.07] Kalakip ang tamis ng kahapon
[00:45.57] Mga gabing 'di namamalayang oras ay lumilipad
[00:53.07] Mga sandaling lumalayag kung sa'n man tayo mapadpad
[01:00.58] Bawat kilig na nadarama sa tuwing hawak ang iyong kamay
[01:08.07] Ito'y maling akala, isang malaking sablay
[01:17.32] Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
[01:25.31] Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
[01:32.60] Ako'y gigising na sa panaginip kong ito
[01:40.84] At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa...
[02:05.56] Gaano kabilis nagsimula
[02:12.32] Gano'n katulin nawala
[02:19.82] Maaari ba tayong bumalik sa umpisa?
[02:25.82] Upang 'di na umasa ang pusong nag-iisa
[02:35.08] Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
[02:42.60] Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
[02:49.57] Ako'y gigising na sa panaginip kong ito
[02:57.60] At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa...
[03:06.84] Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana
[03:14.34] Na minsan s'ya'y para sa iyo pero minsan, s'ya'y paasa
[03:21.57] Tatakbo papalayo, kakalimutan ang lahat
[03:31.82] Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
[03:39.57] Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh
[03:50.85] Pero kahit sa'n man lumingon
[03:58.57] Nasusulyapan ang kahapon
[04:06.10] At sa aking bawat paghinga
[04:13.57] Ikaw ang nasa isip ko, sinta
[04:19.06] Kaya't pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
[04:27.32] Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
[04:34.09] Ako'y gigising na mula sa panaginip kong ito
[04:42.32] At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa...
[04:51.07] 'Di ba nga ito ang 'yong gusto?
[04:58.58] Oh, ito'y lilisan na ako
