MAGDA Gloc 9 with Lyrics ft. Rico Blanco
[00:12.99] Magdalena ano'ng problema
[00:15.50] Bakit ‘di ka makawala sa kadena?
[00:17.99] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
[00:20.50] Na hanap buhay mo ngayon
[00:23.25] Magdalena ano'ng problema
[00:25.75] Alam naman natin na dati kang nena
[00:28.25] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
[00:30.49] Ano'ng nangyari sa'yo?
[00:33.01] Ito'y kwento ng isang babaeng
[00:38.26] Tulog sa umaga, gising sa gabi
[00:43.25] Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
[00:48.25] Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
[00:51.76] Simulan na natin ang istorya
[00:53.73] Ako'y kanyang matalik na kaibigan
[00:56.50] Ernesto ang aking pangalan
[00:58.99] Kwentong dapat ‘nyong malaman
[01:01.50] ‘Wag nang magbulag bulagan
[01:04.00] Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba?
[01:10.26] Pagbibigyan kita
[01:12.50] Kilala mo ba si Magda?
[01:14.23] Na aking kababata mula pa ng pagkabata
[01:16.74] Kami lagi magkasama mga bangkang papel sa sapa
[01:19.50] Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
[01:21.25] At pag siya'y dumadaan mga leeg ay pumipilipit
[01:24.44] Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga
[01:26.70] Tuwing kausap ko na malimit akong tulala
[01:29.18] Kahit may nararamdaman pinilit kong isara
[01:31.69] Ang bibig at pintig ng puso sa kanya
[01:34.19] At sa sayawan matapos kaming makapagtapos
[01:36.69] Dahil pinawis ang mukha ako'y nagpunas ng pulbos
[01:39.44] Kahit parang hindi pantay ay nagmamadaling hinila
[01:42.21] Pinakilala niya lalaki na taga Maynila
[01:44.92] Magdalena ano'ng problema
[01:47.44] Bakit ‘di ka makawala sa kadena?
[01:49.93] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
[01:52.44] Na hanap buhay mo ngayon
[01:55.19] Magdalena ano'ng problema
[01:57.69] Alam naman natin na dati kang nena
[02:00.20] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
[02:02.69] Ano'ng nangyari sa'yo?
[02:04.94] Maraming taon ako'y nalipasan
[02:08.19] Pinilti ko mang takasan
[02:10.44] Bagkus ay aking nalaman
[02:13.19] Ang tunay kong kailangan
[02:15.43] ‘Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba
[02:21.69] Minamahal ko s'ya
[02:23.94] Hahanapin ko si Magda
[02:25.69] Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
[02:27.95] Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuhan
[02:30.67] Nakita ko'ng larawan niya na nakadikit sa pintuan
[02:33.44] Iba man ang kulay ng buhok ‘di ko malilimutan
[02:35.93] Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti
[02:38.20] At dahil ubod ng saya hindi na nag atubili
[02:40.69] Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim
[02:43.19] Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing
[02:45.70] Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta
[02:48.44] Sa maliit na entablado ay nakita ko na
[02:51.19] Ako ay nagtaka, nagtanung, nagkamot
[02:53.70] Bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot?
[02:55.94] Ito'y kwento ng isang babaeng
[03:01.44] Tulog sa umaga, gising sa gabi
[03:06.20] Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
[03:11.45] Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
[03:14.69] Ituloy natin ang istorya
[03:16.70] Agad siyang sumama sa'kin walang kakabakaba
[03:19.09] Ang trato niya sa'kin ay nobyo tila katakataka
[03:21.57] Bumaba sa taxi-ng pinara sa Sta. Mesa
[03:24.32] Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena
[03:26.82] Kung ito ay panaginip ayoko nang magising
[03:29.07] Ngunit ako'y nanaginip umaga na nang magising
[03:31.77] Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
[03:34.27] Liham para sa'kin na isinulat niya magdamag
[03:37.02] Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin
[03:39.52] ‘Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin
[03:42.03] Mahal kong Ernesto alam kong tulog mo'y malalim
[03:44.77] ‘Di na ‘ko nagpaalam ‘di na kita ginising
[03:47.27] Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
[03:49.78] At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay
[03:52.26] Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko
[03:55.03] Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko
[03:57.27] Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino
[04:00.02] ‘Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko
[04:02.27] Imbis na ako'y sagipin itinulak sa bangin
[04:05.03] Ito pala'ng ibig sabihin ng kapit sa patalim
[04:07.53] Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin
[04:10.02] Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
[04:12.51] Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng
[04:15.27] Alam ang amoy ng laway ng iba't-ibang babae
[04:17.78] Isa lang ang kaya kong sayo'y maipagmalaki
[04:20.28] Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi
[04:23.01] Gusto ko mang manatili sa'yong mga yakap
[04:25.53] Ako may natutuwa dahil ako'y iyong nahanap
[04:28.02] Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
[04:30.77] At ang katulad ko sa'yo ay ‘di karapat-dapat
[04:33.28] Pinangarap kong sa altar ako'y iyong ihatid
[04:35.53] Ngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhid
[04:38.25] ‘Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
[04:40.77] Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik
[04:43.51] Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala
[04:45.99] Salamat sa ala-ala, nagmamahal Magda
[04:48.74] Magdalena ano'ng problema
[04:51.27] Bakit ‘di ka makawala sa kadena?
[04:53.74] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
[04:56.23] Na hanap buhay mo ngayon
[04:58.98] Magdalena ano'ng problema
[05:01.48] Alam naman natin na dati kang nena
[05:03.99] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
[05:06.49] Ano'ng nangyari sa'yo?
[05:08.99] Ito'y kwento ng isang babae
