Ako naman muna
[00:08.71] La, la, la, la, la, la
[00:13.97] La, la, la, la, la, la
[00:21.23] Kada hakbang sa lupa'y para akong inaalon
[00:27.71] At nalulunod sa batikos ng mundo
[00:32.21] Sa kung ano lamang ang kaya ko
[00:40.44] Pigang-piga na sa mga problemang 'di masolusyonan agad
[00:47.97] Parang wala ng bukas
[00:52.71] Pwede bang umiwas?
[00:58.48] Hinahanap ang sarili ngunit 'di na kakayanin
[01:02.45] Sa ligaw na dinadaanan ko
[01:07.22] Sa'n na 'to patungo?
[01:11.47] Sa'n na 'ko patungo?
[01:16.97] Dahan-dahan nating simulan muli ang paghakbang
[01:26.47] Dahan-dahang tumingin sa salamin
[01:30.22] Upang makita ang ating kagandahan
[01:35.97] Dahan-dahang iangat ang mukha
[01:39.71] Upang masilayan ang payapang kalangitan
[01:44.99] Oo, pagod ka na, pero 'di ka nag-iisa
[01:54.20] Kaya't lumaban ka at sabihing
[02:02.46] "Ako naman muna"
[02:09.47] Kada langhap sa hangin pansin ko na lagi na lang usok
[02:15.71] Walang malinis, halos puro polusyon
[02:20.24] Parang ako raw na konsumisyon
[02:28.46] Gulong-gulo ang isip, sa'n ba lulugar kapag nagkamali?
[02:36.22] Grabe sila manghusga
[02:40.45] Bakit? Perpekto ba sila?
[02:46.22] Huminga ka ng malalim at isipin ng mabuti
[02:51.22] Ang mga desisyong ilalaan para sa kinabukasan
[02:59.72] Nang makapunta sa paroroonan
[03:04.97] Kung dahan-dahan nating simulan muli ang paghakbang
[03:14.20] Dahan-dahang tumingin sa salamin
[03:18.46] Upang makita ang ating kagandahan
[03:23.97] Dahan-dahang iangat ang mukha
[03:27.96] Upang masilayan ang payapang kalangitan
[03:33.47] Oo, pagod ka na, pero 'di ka nag-iisa
[03:42.97] Kaya't lumaban ka at sabihing
[03:50.98] "Ako naman muna"
[04:00.46] "Ako naman muna"
[04:11.97] Huwag papalamon sa lungkot
[04:14.96] Huwag hahayaang malugmok ang puso mo
[04:18.49] Sa ibabato sa 'yo ng iba
[04:23.96] Tandaan mong sapat ka
[04:29.95] Dahan-dahang tanggalin ang maskara
[04:33.97] At hayaang tumulo ang bumabadyang mga luha
[04:39.22] Dahan-dahang tumingin sa salamin
[04:48.46] At tanggaping minsan ayos lang maging mahina rin
[04:49.46] Dahan-dahang iangat ang mukha
[04:49.73] Upang masilayan ang mga taong ika'y pinapahalagahan
[04:52.71] Oo, pagod ka na, pero 'di ka nag-iisa
[04:58.20] Kaya't lumaban ka at sabihing
[05:05.47] "Ako naman muna"
[05:16.48] "Ako naman muna"
